Nakatakdang tumanggap ang Philippine Air Force (PAF) ang una sa dalawang long-range patrol aircraft (LRPA) sa susunod na taon mula sa Elbit Systems Ltd. ng Israel na magpapalawak sa kanilang kapalidad sa pagpapatrolya sa archipelago.
Sinabi ni Israel Ambassador to the Philippines Ilan Fluss, inaasahan ang initial delivery ng aircraft sa kalagitnaan ng 2025 base sa timeline ng nilagdaang kontrata.
Ang pahayag ni Fluss ay nagpapatibay sa pahayag ng Elbit Systems noong July 2023 na nakuha nito ang $114-million contract na magsuplay ng dalawang units ng LRPA na may “advanced and comprehensive mission suite.”
Ang dalawang LRPAs ay base sa bagong ATR 72-600 at ang suite ay kinabibilangan ng mission management system, electro-optics, radar, SIGINT (signals intelligence) at communication, at iba pa.
Inilarawan ng National Security Agency ng United States ang SIGINT na intelligence o information mula sa electronic signals at systems na ginagamit ng foreign targets.