
Pinatibay ng Philippine Air Force (PAF) ang kanilang helicopter fleet sa pagtanggap ng limang bagong S-70i “Black Hawk” utility helicopters sa isang turnover at blessing ceremony sa Villamor Air Base, Pasay City .
Kasama rin sa pagtanggap ang walong M134-H “Gatling” heavy machine guns para sa armamento ng mga eroplano.
Ang PHP32-billion contract para sa mga helicopter ay nilagdaan noong Feb. 22, 2022 ni dating Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Sa seremonya, tinanggap ni Brig. Gen. Moises Micor, Wing Commander ng 205th Tactical Helicopter Wing, ang mga eroplano at dokumento ng armamento.
Ayon sa PAF, malaki ang maitutulong ng bagong air assets sa air mobility, operational readiness, at disaster response.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng AFP Modernization Program upang palakasin ang kakayahan ng PAF sa seguridad, joint operations, at humanitarian missions.
Ang S-70i helicopters ay kilala sa versatility, bilis, at pagiging maaasahan sa iba’t ibang misyon.










