Labis na nakakabahala para kay Batanes Rep. Ciriaco Gato Jr. ang iginiit ng China na ang Batanes ay natural geographical extension ng Taiwan na ang soberenya ay sakop ng China.

Diin ni Gato, malinaw sa kasaysayan, sa Konstitusyon at mga batas na ang Batanes ay lalawigang sakop ng Republika ng Pilipinas at ang mga Ivatan na naninirahan dito ay mga Pilipino.

Ayon kay Gato, ang pagiging parte ng Batanes ng ating bansa ay nakapaloob sa pagkatao at sama-samang karanasan ng ating mga kababayan na naninirahan dito.

Giit ni Gato, anumang pahiwatig na kumukwestyon sa soberenya ng Pilipinas sa Batanes ay isang paghahamon at pag-insulto sa ating pagkakakilanlan na hindi dapat palampasin.

Dagdag pa ni Gato, ang katapatan ng mga Ivatan ay mananatiling nasa Republika ng Pilipinas.

-- ADVERTISEMENT --