TUGUEGARAO CITY-Malaking sampal at kahihiyan umano para sa mga law enforcement agency kung maisakatuparan ang unang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na pag-aarmas sa civilian volunteers mula sa ibat-ibang grupo para maipatupad ng maayos ang peace and order sa bansa.

Ayon kay Atty. Domingo Egon Cayosa, presidente ng Integrated Bar of the Philippines(IBP), parang

inaamin na umano ng PNP, AFP at iba pang law enforcement agencies na hindi nila kayang mamintina ang

katahimikan at kaayusan ng bansa.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi niya na tila walang silbi ang maraming nirecruit o kinuhang miembro ng kapulisan maging ang

malaking sahod kung hindi naman nila gagawin ang kanilang tungkulin.

sinabi ni Cayosa na maaari ring magdulot ng masamang epekto kung maging ang mga sibilyan ang aarmasan

dahil baka gamitin ito sa karahasan.

Paliwanag ni Cayosa, magiging epektibo lang ang executive order na armasan ang mga sibilyan kung

nakasailalim ang bansa sa state of emergency pero ngayon ay wala naman umanong nakikitang dahilan at

pangangailangan para armasan ang iba pang grupo.