Pinagtibay ng Korte Suprema ang acquittal o pag-abswelto kay Datu Akmad “Tato” Ampatuan Sr. kaugnay sa 2009 Maguindanao massacre.

Matatandaang kinasuhan ng 58 counts ng murder si Amapatuan Sr.

Sa 10 pahinang desisyon, sinabi ng Kataas-taasang hukuman na tama ang naging pasya ng Regional Trial Court at Court of Appeals na i-abswelto si Ampatuan Sr.

Sinabi ng korte na kulang ang ebidensya para ipakita na may ginawang aktwal na hakbang para maki-isa sa sabwatan si Ampatuan Sr.

Bagamat natalakay ang plano sa kanyang pagdalo sa mga pagpupulong bago mangyari ang insidente, binigyang-diin ng RTC na ang simpleng presensya at pagsang-ayon ay hindi sapat para sabihing siya’y nakisabwatan dahilan upang maabswelto sa lahat ng kaso.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kabila ng apela sa Office of the Solicitor General sa Court of Appeals at Korte Suprema, parehong korte ang nagsabing hindi sapat ang salita lang at kaialngan may aktwal na kilos para masabing kasabwat.