Naniniwala ang Department of Agriculture (DA) na malaki ang maitutulong sa presyo ng inaangkat na bigas ng bansa ang pag-alis ng Indian Government sa export ban sa non-basmati white rice.

Ayon kay DA Assistant Secretary Arnel de Mesa, mahalaga ang ginawang hakbang ng India dahil mas mura ang presyo ng non-basmati white rice.

Ito ay kumakatawan sa 40 percent ng kabuuang rice export sa buong mundo .

Sinabi ni De Mesa, ang Minimun Export Price (MEP) ng Indian Rice ay nasa $490 kada metric tons.

Kumpara sa presyong 25 percent broken rice kada metric tons ng Thai Rice na $525 hanggang $535 kada metric tons.

-- ADVERTISEMENT --