Labag sa batas ang pag-aampon ng sanggol sa Online at hindi ito pinapahintulutan ng batas at dapat na dumaan sa legal na proseso.

Ito ang sinabi ni Asec. Rowena Macalintal ng National Authority for Child Care (NACC) at binigyan diin na may mga legal na proseso na dapat sundin para sa adaption at hindi sa Online.

Sinabi ni Asec. Macalintal na sa ilalim ng batas hindi pinapayagan ang Online adaption at hindi legal ang pagbebenta ng sanggol.

Ginawa ni Asec. Macalintal ang pahayag dahil sa talamak na paggamit ng facebook at iba pang online platforms para sa illegal na bentahan ng mga sanggol.

Ito’y sa kabila ng pagpapatupad ng Republic Act 11642d na layuning gawing mas mabilis, simple at libre ang legal na proseso ng pag-aampon.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon pa sa opisyal ng National Authority for Child Care (NACC), patuloy ang pagdami ng mga Facebook groups na ginagamit sa transaksiyong ito para sa bentahan ng mga sanggol.

Sinabi pa sa ulat na umaabot ang presyo ng bentahan ng mga sanggol—mula ₱80,000 hanggang ₱85,000—gaya ng isang kasong naitala sa blotter sa Cebu City.

Sinabi naman ni PLT Wallen Mae Arancillo spokesperson ng PNP-Anti Cycber Crime Group na huwag maniwala sa mga nakakausap sa social media at Online platforms lalo’t hindi kilala ang taong tumatawag.

Sinabi pa ni Arancillo na huwag magbigay ng mga personal information sa mga online platforms at sa social media ng ating mga address, bank number at iba pang personal na information na magiging dahilan upang tayo mabiktima ng online scam.