TUGUEGARAO CITY-Patuloy ang monitoring ng Bureau of Animal Industry sa pag-angkat ng karneng baboy mula sa ibang bansa kasunod ng pansamantalang pag-ban sa importation ng karne ng baboy mula sa bansang Germany.
Una rito, nadiskubre at nahuli ang pagpasok ng Germany ng ilang karne ng baboy na mula sa Poland na apektado ng “African Swine Fever sa Cebu ity nitong nakalipas na araw.
Ayon kay Joy Layagan, member ng African swine fever Task Force ng Bureau of animal Industry, siniguro umano ng kanilang tanggapan na walang makakapasok na karne mula sa mga bansa na apektado ng nasabing sakit.
Aniya, bagamat isa ang Germany sa may pinakamalaking pinag-aangkatan ng bansa ng karne ng baboy ay kailangan parin umano nitong i-ban para sa kaligtasan ng lahat.
Sinabi ni Layagan na nasa 10 hanggang 25 percent umano ang contribution sa importation ng Germany sa meat product ngunit mas malaki naman ang maapektuhan sa bansa kung ipagpapatuloy parin ang pag-angkat.
Kaugnay nito, sinabi ni Layagan na kailangan pa umanong linawin ng Germany kung bakit nahaluan ng karne ng baboy na mula sa Poland ang kanilang ipinasok na karne sa bansa bago muling mag-angkat ang Pilipinas sa naturang bansa.