Tuguegarao City- Inaprubahan na ni Governor Manuel Mamba ang rekomendasyon ni Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano na isailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang lungsod.
Kaugnay nito ang pagsusumiti ng executive order na aaprubahan ng Regional Inter-Agency Task Force (RIATF) para sa pormal na implimentasyon nito.
Sa panayam kay Mayor Soriano, ito ay hakbang ng pamahalaang panlungsod upang makaiwas sa covid-19 bunsod ng pagtaas ng kaso ng local transmission sa Tuguegarao.
Nilinaw ng alkalde na hindi pa umiiral ang MECQ ngayon sa lungsod kaya’t walang dahilan upang magpanic buying ang publiko.
Ayon sa kanya ay hintayin lamang ang ibababang kautusan hanggang alas 6:00pm ngayong araw
Sakali aniya na isailalim na sa MECQ ang lungsod ay muling ibabalik ang paggamit ng COVID-19 Shield ID Pass upang mamonitor ang galaw ng publiko.
Muli ring lilimitahan ang galaw ng mga pampapasaherong sasakyan at tanging ang papayagang mag-angkas lamang ay ang mag-asawa at mga nakatira sa iisang bahay.
Bukod pa rito ay muli namang ipatutupad ang liquor ban.
Sa huling tala ng Tuguegarao City Information Office ay nasa 22 na ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Samantala, sinabi niya na matapos malockdown ang tanggapan ng PNP Tuguegarao ay nagbigay umano ng Augmentation ang Regional at Provincial PNP.
50 na mga pulis ang ipinadala ng PRO-2 habang 20 naman mula sa Cagayan PNP.
Ito ayon sa alkalde ay upang matiyak ang kapayapaan at pagtulong sa laban sa pagkalat ng virus.
Muling nanawagan si Soriano sa publiko na umantabay lamang sa mga paabiso at direktiba kaugnay pa rin sa ilalatag na mga hakbang