Tuguegarao City-Welcome development sa pamunuan ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) ang pag-apruba ng mga mambabatas at paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-upgrade ng bed capacity ng nasabing pagamutan.

Ito ay sa ilalim ng ipinasang batas partikular ang RA 11498 na magpapahintulot na gawin itong 1000 bed capacity mula sa dating 500.

Sa panayam kay Dr. Glenn Mathew Baggao, Medical Center Chief, malaking tulong ito sa CVMC upang mabigyan ng mabigyan ng komportable at maayos na pasilidad ang dumarami nilang pasyente.

Sinabi pa niya na mula sa 1,500 na mga empleyado ng nasabing pagamutan ay magbubukas pa ito ng oportunidad sa iba dahil mangangailangan din ng pagdaragdag ng mga empleyado.

Sa ngayon ay paghahandaan na aniya nila ang mga ilalatag na timeline para sa pagpapatupad ng implemanting rules and regulations sa lalong madaling panahon.

-- ADVERTISEMENT --