TUGEUGARAO CITY- Agad na nakontrol ng Department Of Agriculture(DA)-Region 2 ang pag-atake ng “fall army worm” o ang mga peste na pumipinsala sa dahon ng mga mais na dahilan ng hindi paglago ng nasabing pananim sa Rehiyon.

Ayon kay Ruberto Busania ng DA Region 2, nitong buwan ng Hunyo nang maitala sa bayan ng Piat na sinundan ng ibang bayan sa probinsiya maging sa Isabela at Nueva Vizcaya ang pag-atake ng nasabing peste.

Aniya, nasa 41 hektarya ng mais ang naapektuhan ng fall Army worm sa rehiyon ngunit kontrolado na ito ng ahensiya.

Sinabi ni Busania na ito ay sa pamamagitan ng Bio control agents at mga chemical pesticides maging ang suporta ng ibinigay ng mga Local Government Unit(LGU).

Sakabila nito, sinabi ni Busania na bagamat mayroon pang maaani mula sa 41 ektaryang apektado, hindi na umano ito gaanong kalaki katulad ng inaasahang maaani ng mga magsasaka.

-- ADVERTISEMENT --
Tinig ni Ruberto Busania

Samantala, naniniwala si Busania na nanggaling ang nasabing peste sa ibang bansa kung saan maaring naisama ito sa mga na-iimport na mga goods.

Kaugnay nito, patuloy ang ginagawang surveillance ng kanilang ahensiya sa ibang lugar para masugpo ang pagdami ng nasabing peste sa Rehiyon.