Naniniwala si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na kailangan ang batas para imandato ang pag-awit ng Bagong Pilipinas hymn sa flag ceremonies sa mga ahensiya ng pamahalaan kabilang ang institutional institutions.

Ang kautusan ay nakapaloob sa Memorandum Circular (MC) No. 52 issued on June 4 subalit inilabas lamang sa media kahapon.

Iminungkahi ni Pimentel sa Executive Branch na magsumite ng panukalang batas na laman ang nasabing kautusan upang maamiyendahan ang umiiral na batasna sumasaklaw sa National Anthem, Pledge, at Flag Raising ceremonies.

Ayon sa kanya, hindi sapat ang Executive Order at kailangan ang batas upang mabigyan ito ng kapangyarihan.

Samantala, hinihikayat sa Memorandum Circular ang mga local government units na isama ang Bagong Pilipinas Hymn and Pledge sa kanilang lingguhang flag rasing ceremonies na nababatay sa mga umiiral na mga batas, rules at regulations.

-- ADVERTISEMENT --