CTTO

TUGUEGAERAO CITY-Inaprubahan ng Sanguniang Panlalawigan ang isang resolution na naglalayong humingi ng tulong sa tanggapan ni 1st district Cong. Ramon Nolasco jr. na magsagawa ng imbestigasyon ukol sa pinaniniwalaang isinasagawang black sand mining sa Aparri, Cagayan.

Ayon kay Board Member Jean Alphonse Ponce na siyang may akda sa naturang resolution, layon nitong mas mapadali ang isasagawang imbestigasyon.

Bagamat aprubado na,nagpakita naman ng pagtutol sina board member Alfonso Llopis, Rodrigo de asis at Pastor Ross Resuello.

Anila, maaring sanhi umano ito ng pagkalito sa magiging resulta ng imbestigasyon.

Una rito, isang task force ang kanilang bubuoin na kinabibilangan ng lahat ng ahensya ng gobyerno at LGUs na may sakop sa nasabing isyu batay na rin sa unang naging resolution ni Board Member Mila Lauigan at rekomendasyon ni Engr. Mario Ancheta ng MGB R02 para magsagawa ng imbestigasyon sa bayan ng Aparri

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa tatlo,maaring magkaiba ang magiging resulta ng kanilang imbestigasyon na magdudulot ng kalituhan sa publiko.

Ngunit sa kabila nito, inaprubahan parin ang naturang resolusyon na hihingi ng tulong sa opisina ni Cong. Nolasco para mabigyan ng sagot kung ano ang tunay na aktibidad sa karagatang sakop ng Aparri.