
Maingat na pag-aaralan ng bansa ang importasyon ng bigas mula sa Pakistan bilang bahagi ng mas malawak na pagsisikap na makakuha ng mas maraming suppliers at palalimin ang trade ties sa labas ng kalapit na mga bansa.
Sinabi ito ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. kasunod ng isinagawang pulong sa Pakistani delegation.
Sinabi ni Tiu Laurel na nagpahayag ang bumibisitang delegasyon ng interes na magsuplay ng bigas sa bansa, dahil sa sobra-sobra ang bigas sa Pakistan.
Bagamat welcome ang nasabing alok, iginiit ni Tiu Laurel na anomang importasyon ay kailangan na nakabatay sa pangangailangan ng bansa dahil sa sinisikap ng pamahalaan na maging self sufficient ang bansa sa bigas.
Ang Pilipinas ang nananatiling pinakamalaking rice importer sa mundo.
Ang alok ng Pakistan ay kasabay ng pag-aaral ng bansa sa kanilang sourcing strategy para maiwasan ang pagdepende sa iisang supplier lamang.
Subalit iginiit ni Tiu Laurel na ang rice imports ay mananatiling supplement, at hindi substitute sa local rice.
Dagdag pa ng Department of Agriculture (DA), ang anumang rice imports mula Pakistan ay dadaan pa rin sa umiiral na regulatory at quality requirements habang nagpapatuloy ang negosasyon










