
Inanunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na opisyal nang natapos ang pag-iral ng La Niña sa bansa.
Ito ay matapos magbalik sa normal o tinatawag na ENSO-neutral na kondisyon ang temperatura sa karagatan ng tropical Pacific.
Inilabas na rin ng PAGASA ang huling advisory para sa La Niña at ibinaba na ang kanilang ENSO Alert and Warning System sa ENSO-neutral.
Sa kabila nito, sinabi ng PAGASA na maaari pa ring makaapekto ang iba pang weather systems sa pag-ulan sa bansa kahit tapos na ang La Niña.
Posible pa rin anila na makaranas ng malalakas na pag-ulan na maaaring magdulot ng pagbaha at landslide sa ilang lugar.
-- ADVERTISEMENT --










