Walang pang tiyak na posisyon ang Palasyo kaugnay sa mga panukalang i-regulate ang mga social media influencer na nagpo-promote ng online gambling.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, kailangan mapag-aralan itong mabuti dahil baka sabihin naman ng mga kritiko na masasagasaan ang freedom of expression.
Sa kabila nito, tiniyak ni Castro na magkakaroon ng tamang direksyon at judgement sa problemang ito para maprotektahan ang publiko, lalo na ang kabataan sa impluwensya ng sugal.
Dagdag pa ni Castro, kinikilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang problema ng bansa sa online gambling at patuloy na inaaral ang mga solusyon habang wala pang naipapasang batas para higpitan ang regulasyon nito.
Kasama na rito ang nauna nang binanggit na plano ng Department of Finance (DOF) para sa pagpapataw ng buwis sa mga gaming operators.