Pinabulaanan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na magiging salungat sa isinusulong na free Wifi ang planong pagpapatigil sa paggamit ng social media sa pagbibigay ng class project at homework sa mga eskwelahan.
Sa panayam ng Bombo Radyo, ipinaliwanag ni DICT Asst. Secretary Allan Cabanlong na sinimulan ang hakbang na ito dahil sa mga reklamo mula sa mga magulang na may ilang guro ang gumagamit ng social media para magpagawa ng mga assignment o project.
Magiging suporta naman sa pag-aaral ng mga estudyante ang layunin ng programa ng ahensya para sa free WIFI.
Dagdag pa ni Cabanlong, kadalasang natutukso ang mga bata na gumawa ng ibang bagay sa social media sa halip na gamitin ito sa pag-aaral.
-- ADVERTISEMENT --