TUGUEGARAO CITY-Napakalaking tulong umano para kay 3rd District Congressman Jojo Lara ang isinasagawang orientation sa mga bagong upong mambabatas ng House of Representative at University of Philippines na magtatapos ngayong araw.

Ayon kay Lara, napakalaking aspeto umano sakanilang trabaho ang naturang seminar dahil napag-usapan ang legislative process ,public politics at budget process.

Aniya, kailangan ang naturang seminar lalo na’t papasok na ang budget deliberation sa buwan ng agosto.

Samantala, una na umanong ipanukala ni lara sa kongreso ang pag-upgrade ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) para matulungan ang mga mamamayan sa probinsiya

Aniya, mula sa 500 bed capacity ay gagawin umano itong 1000 bed capacity para mailagay ang mga kaukulang pangangailangan ng naturang pagamutan.

-- ADVERTISEMENT --

Bukod dito, nasa “working stage” na rin umano ang pagpapatayo ng Satellite ng CSU sa bayan ng solana maging ang pagpapatayo ng dorminatory sa nasabing unibersidad.

Sinabi ni Lara na patuloy ang pakikipag-ugnayan niya sa mga opisyal ng CSU maging sa iba’t-ibang ahensiya para mapagtagumpayan ang mga naturang proyekto.