Wala nang binabantayang ano mang low pressure area (LPA) o bagyo ang PAGASA.

Ito’y matapos malusaw na ang bagyong #JosiePH, at nawala na rin ang isa pang LPA na binabantayan kahapon sa kanlurang bahagi ng Luzon.

Sa ngayon, Southwest Monsoon ‘o Hanging Habagat pa rin ang nakaa-apekto sa ilang bahagi ng bansa.

Sa kabila niyan, patuloy na ring humihina ang Habagat kaya naman asahan ang mas magandang panahon sa mga susunod na araw.

Ang Habagat ay umiiral na lang sa may western section ng Luzon, at maaaring maging offshore na lang at sa karagatan makaaapekto.

-- ADVERTISEMENT --

Pero, mayroon pa ring inaasahang mga isolated rainshowers lalo na sa hapon at sa gabi.