Maaari nang ibaba sa Alert Level 2 ang alerto sa COVID-19 sa Lambak ng Cagayan.

Ito ang pananaw ni Cagayan Valley Medical Center Chief Dr Glenn Mathew Baggao batay sa patuloy na pagbaba ng COVID-19 case sa rehiyon na indikasyong gumaganda na ang sitwasyon.

Sinabi ni Baggao, nabawasan na ang mga pasyenteng may COVID-19 sa CVMC na resulta ng magandang vaccination roll-out.

Samantala, inihayag ni Baggao na handang-handa na ang CVMC sa pagbabakuna sa mga batang lima hanggang 11-taong gulang laban sa COVID-19.

Hinihintay na lamang aniya ng naturang pagamutan ang guidelines sa vaccination, kasama ang supply nito na Phizer.

-- ADVERTISEMENT --

Gayunman, matagal na umanong nakapaghanda ang vaccination team ng CVMC tulad ng ginawang paghahanda sa pagbabakuna sa 12 to 17 years old.

Ipinaliwanag ni Baggao na sa simula ay nagdadalawang-isip pa ang mga magulang ngunit pagkatapos ng vaccination roll out sa mga kabataan ay dumarami na ang tumatanggap.

Nagpasalamat naman si Dr Baggao sa tulong mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) na para sa mga benepisaryo ng mga healthcare frontliners sa ilalim ng Integrated Livelihood and Emergency Employment Program o FreeBis.

Kasama ng bisikleta ay namigay ang DOLE ng mobile phones at pang-negosyo bilang pagbibigay-pugay sa kanilang pagsasakripisyo at pagsisilbi sa kabila ng panganib at hirap na dulot ng COVID-19.