Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na bumaba sa sampo ang naitalang kaso ng leptospirosis kada araw.

Ito ay simula August 10 hanggang August 14, kung ikukumpara sa halos 200 na kaso kada araw noong August 3 hanggang August 9, 2025.

Sa kabuuan, mayroon ng 3,752 na kaso ng leptospirosis mula June 8 hanggang August 14 o isang linggo matapos ideklara ang tag-ulan.

Tiniyak naman ng DOH na naka-alerto ang mga DOH hospital at patuloy na activated ang 49 na leptospirosis fast lanes sa buong bansa.

Muli ring nagpaalala ang DOH sa publiko na agad na magpakonsulta sa mga nasabing fast lane o sa health center o ospital kung sakaling nalubog sa baha o na-expose sa putik ngayong tag-ulan para ma-assess ang risk level para at mabigyan ng tamang lunas.

-- ADVERTISEMENT --

Ilan sa mga sintomas ng leptospirosis ay lagnat, sakit ng ulo, panginginig, pananakit ng likod o binti, at pamumula ng mga mata.