Sinimulan na rin ngayong araw (March 22) ang vaccination roll-out ng Astrazeneca sa mga personnel ng Rural Health Unit (RHU) at Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) sa Tabuk City, Kalinga.
Sa pagsisimula ng pagbabakuna, pinangunahan ni Dr. Efraim Rubiano, Dr. Henrietta Bagayao, chief city health officer ang hanay ng healthcare workers ng pasilidad upang maipakita ang tiwala nang pamunuan sa bakuna at mahikayat ang mga kasamahang healthcare workers na magpabakuna na rin.
Nasa 500 doses ng Astrazeneca ang inilaan para sa mga medical frontliners ng lungsod, kabilang ang mga nasa barangay subalit ginamit muna ng bayan ng Tanudan ang 20 doses nito.
Sa kabuuan 480 doses ang inaasahang ibibigay sa mga natukoy na mababakunahan hanggang bukas, March 23.