Nasa critical stage ang firefighters sa kanilang patuloy na pag-apula sa wildfires sa Los Angeles.
Sinabi ng mga crew na nagkakaroon na ng progreso sa kanilang pag-apula sa wildfires, subalit sinabi ng mga opisyal na nananatili pa rin ang banta ng sunog dahil sa bumalik ng maaga ang mapanganib na Santa Ana winds.
Sinabi ni LA County fire chief Anthony Marrone na ang bagong Santa Ana winds ay magdadala ng mataas na panganib ng wildfires sa buong LA county.
Gayunman, tiniyak niya na handa sila para sa susunod na mga posibleng mangyayari.
Idinagdag pa niya na naghahanda na ang fire crews para sa “repopulation” sa mga lugar na may mga evacuees
Mahigit 105,000 residents ang nasa ilalim pa ng evacuation orders.
Sinabi ng mga opisyal na 11 percent ng coastal Palisades fire na ang naapula, kasabay ng pagtiyak ng mga crew na hindi na ito lalaki pa at makakarating sa Brentwood.
Naapula naman ang 27 percent sa Eaton fire sa Altadena.
Kinumpirma ng mga awtoridad na nasa 16 na ang namatay, subalit hindi pa tiyak kung ilan ang kumpirmadong bilang.
Kaugnay nito, sinabi ni LA Mayor Karen Bass na tiwala siyang bibisitahin ni US President-elect Donald Trump ang mga naapektohan ng wildfires, sa kabila na tinawag niya ang mga politiko sa California na “incompetent” sa pagtugon sa nasabing sakuna.