Welcome para kay ACT Teacher Rartylist Representative France Castro ang pagbabalik sa dating school year calendar sa 2024-2025.

Aniya, ang desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang pagbabalik ng July hanggang Abril na klase ay malaking tulong upang hindi na mahirapan pa ang mga estudyante.

Ganundin sa pag-iwas sa pagkakaroon ng Saturday clasess at hindi rin pa umano sanay ang ilang mga estudyante na nag-uumpisa ang pasukan tuwing buwan ng Setyembre.

Kasabay nito, iginiit ni Castro na pagtuunan din ng pansin ng pamahalaan ang mga problema sa sektor ng edukasyon tulad ng pagtugon sa kakulangan sa mga silid-aralan at mga guro.

Ipinaliwanag niya na sa pamamagitan nito ay maiiwasan na ang siksikan ng mga estudyante sa isang classroom at mas maging komportable ang mga ito.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, sinabi niya na umaasa sila na sa lalong madaling panahon ay pipirmahan na ni Pangulong Marcos ang Senate Bill No. 1964 o ang “Kabalikat sa Pagtuturo Act” na layong i-institutionalize ang pagbibigay ng teaching allowance para sa public school teachers mula P5, 000 ay magiging P10, 000.

Kung magiging batas, ang allowance sa pagtuturo ay gagamitin para sa pagbili ng mga gamit at mater­yales sa pagtuturo, pagbabayad ng iba pang incidental na gastos, at pagpapatupad o pagsasagawa ng iba’t ibang learning delivery modalities