Tuguegarao City- Naglabas ng Executive Order si Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano kaugnay sa mahigpit na implimentasyon ng ordinansa sa paggamit ng mga plastic at styrofoam.
Ito ay bunsod ng pagdami ng mga plastik ngayong panahon ng community quarantine lalo na sa mga take out services.
Kaugnay nito ay iminungkahi ni Soriano ang pagdadala ng baunan o paggamit ng mga establishimento ng paper based containers.
Hinikayat din ng alkalde ang mga residente na magdala ng mga lalagyan sa pamimili upang makaiwas sa paggamit ng plastik.
Nakapaloob sa mga ordinansa ang pagpapataw ng multang P500 sa unang paglabag, P1k sa ikalawa at sa ikatlo ay 3k habang tataas ito hanggang P5k kung hindi sumusunod ang mga establishimento at may kalakip na pagsuspindi sa license to operate.