Itinuturing na urgent ng isang mambabatas ang apela ng China na i-ban na ang Philippine Offshore Gaming Operators na pagsang-ayon sa mga panawagang itigil na ang operasyon nito sa Pilipinas.
Ayon kay House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro, kailangang umaksyon na sa lalong madaling panahon si Pangulong Ferdinand Marcos para matigil na ang POGO industry kasabay ng mga inihaing panukalang batas para ipagbawal at gawing krimen ang operasyon nito sa bansa.
Sa halip kasi aniya na nakatulong sa ekonomiya ang bilyong kita mula sa buwis sa POGO ay naging dahilan ito ng paglala ng kriminalidad at korapsyon.
Posibleng banta pa ito sa seguridad ng bansa kasunod ng mga nakumpiskang baril at uniporme ng Peoples Liberation Army ng China sa niraid na POGO hub.