TUGUEGARAO CITY-Muling isusulong ni Board Member Vilmer Viloria ng ikalawang distrito ng Cagayan ang pag-amienda sa Election Code ng bansa at ilagay ang paglimita ng mga ilalagay na mga campaign posters o materials ng isang kandidato sa mga comkon poster area.
Ayon sa kanya, ang kanilang panukala sa Board Members League ay dalawang poster lang ng kandidato sa isang barangay.
Bukod dito, sinabi ni Viloria na dapat na magbabayad na rin sa Commission on Elections ang isang kandidato para sa kanyang mga ilalagay at tatanggalin na mga posters .
Sinabi ni Viloria na susubukan niyang i-lobby muli ang nasabing panukala upang maiparating na rin nila sa kongreso.
Naniniwala si Viloria na sa pamamagitan ng nasabing panukala ay hindi na magkakaroon ng mga nagkalat na mga campaign materials tuwing halalan.