Muling sinimulan ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) ang pagbabayad ng claims ng mga accredited health services institutions.
Ito’y matapos naantala ang re-imbursement sa mga claims dahil sa pagsasa-ayos sa computerized data system ng mga member beneficiaries.
Ayon kay Ret. B/Gen. Ricardo Morales, president and chief executive officer ng Philhealth na nakikipag-ugnayan na ang ahensiya sa mga accredited hospital at iba pang health care providers para mapabilis ang pagsasaayos sa bagong sistema ng pagbabayad ng Philhealth claims.
Samantala, binigyang diin ni Morales ang kahalagahan ng ginagawang automation sa lahat ng transaksyon ng ahensiya upang mapabilis ang proseso at maiiwas sa anomalya o fraud claims ang pondo ng ahensiya.
Layunin rin nitong matiyak na mga member beneficiaries ang makikinabang sa pondo ng naturang state insurance company.
Kasabay nito, binalaan ni Morales ang mga accredited health care professionals at institutions na na mahaharap sa kaukulang kaso ang mga sangkot sa fraudulent transactions.
Sa katunayan, pinatawan na ng multa ang isang dialysis center sa Quezon City matapos masangkot sa ghost dialysis anomaly, kamakailan habang patuloy na iniimbestigahan sa central office ang P6 million ghost claims sa Tuguegarao City Peoples General Hospital nuong 2017.
Si Morales ay bumisita sa lungsod ng Tuguegarao para daluhan ang tatlong araw na stakeholders forum ng Philhealth Region 2 na nag-umpisa ngayong araw.