Tama lang ang pagbasura sa mga kaso ni dating Senator Leila De Lima dahil isa itong napakasimpleng kaso at walang matibay na ebidensya.

Ito ang nging reaksyon ni Atty.Neri Colmenares, chairman ng Bayan Muna at Human Rights lawyer kaugnay sa pag-dismissed sa huling kaso nito na may kaugnayan sa pagkakasangkot umano niya sa kalakaran ng iligal na droga.

Aniya matagal rin ang inantay ni De Lima kung saan 7 taon muna ito nakulong bago nagbigay ng desisyon ang korte.

Suportado rin ni Colmenares ang panawagan ni De Lima sa kongreso na isubpeona ang mga ospiyal na nagpagamit sa dating Pangulong Rodrigo Duterte para makulong ang dating senador sa pammagitan ng gawa-gawang ebidensiya at mga testigo.

Sinabi ni Colmenares na ito ang dahilan kaya natalo si De Lima sa kanyang re-election.

-- ADVERTISEMENT --