Binatikos ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas ang programang Bigas 29 ng Deaprtment of Agriculture na nag-aalok ng P29 kada kilo ng bigas sa piling mga sektor ng lipunan.
Ayon kay KMP Chairperson Danilo Ramos, ang naturang programa ay maling pagtugon sa krisis sa bigas na nakatuon pa rin sa importasyon sa halip na palakasin ang lokal na produksyon.
Hinamon rin ni Ramos sina PBBM at DA Secretary Tiu Laurel na ipakain sa kanilang pamilya ang lumang bigas na planong ibenta sa mga mahihirap na Pilipino sa P29 kada kilo.
Sumasalamin aniya ito sa pagiging anti-poor ng pamahalaan samantalang nabunyag ang ginawang pagbebenta ng 75K bags ng NFA rice sa mga traders sa halagang P25 kada kilo.