Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Agriculture (DA) na maglatag ng mga hakbang para maipagpatuloy ang “₱20 program” o pagbebenta ng ₱20 na kada kilo ng bigas hanggang 2028.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, sa inisyal na plano, ipatutupad ang programa hanggang December 2025 o February 2026.

Nasa 3.5 hanggang 4.5 bilyong piso ang gugulong pondo ng pamahalaan para sa subsidiya sa murang bigas depende sa run rate.

Pero bilin aniya ng pangulo na ipatupad ang programa hanggang sa pagtatapos ng kaniyang termino.

Dagdag pa ng kalihim, noong isang taon pa aniya planong ipatupad ito pero hindi kaya ng pamahalaan ang subidiya para dito dahil mataas talaga ang presyo ng bigas sa pandaigdigang pamilihan.

-- ADVERTISEMENT --

Pero ngayon sabi ni Laurel, bumaba na ang road market prices kaya mas magaan na ang subsidyang ilalaan para sa programa.