Bawalo sa mga contractor sa mga proyekto sa pamahalaan na magbigay ng pondo sa mga kandidato.
Sinabi ni Commission on Elections (Comelec) chairperson George Garcia na ito ay paglabag sa Section 95 (c) sa ilalim ng Omnibus Election Code.
Sinabi ni Garcia na isa itong election offense na may isa hanggang anim na taon na pagkakakulong at maaaring dahilan ng pankansela ng lisensiya o permit ng kumpanya o contractor.
Subalit tumangging magbigay ng tugon si Garcia kung ano naman ang parusa sa election officials, dahil sa posibleng kuwestionin ito ng ilang katao at maghain sa Comelec dahil sa mga nasabing development.
Matatandaan na isiniwalat ni Pangulong Ferdinand Marcows Jr. na 20 percent ng kabuuang P545 billion budget sa flood control projects ay ibinigay sa 15 lamang na contractors.
Sinabi ng pangulo na ito ay nakakabahala.
Ilan sa mga contractor na ito ay may koneksyon sa ilang halal na mga opisyal.