Welcome para sa isang grupo ng mga guro ang pagbibitiw sa pwesto ni Vice President Sara Duterte bilang Departement of Education Secretary.
Ayon kay Alliance of Concerned Teachers (ACT) Chairperson Vladimer Quetua, maituturing na long overdue ang kanyang pagbibitiw dahil sa pagiging inutil nito bilang DepEd secretary na matagal nang tinik sa education sector.
Sinabi ni Quetua, nabigo si Duterte na resolbahin ang mga isyu para maiangat ang sektor ng edukasyon gaya ng kakulangan ng mga guro, silid-aralan, sahod at pondo.
Umaasa naman ang grupo na ang itatalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bagong kalihim ng DepEd ay isang educator, pro-teacher at pro-kabataan.