Inaprubahan na ni President Ferdinand R. Marcos Jr. ang intensiyon ng militar na bumili nh mga multi-role fighters (MRFs) na layon palakasin ang defense capabilities ng bansa.

Ito ang inihayag ni Gen. Romeo Brawner Jr. sa isinagawang presscon kahapon sa Kampo Aguinaldo.

Sinabi ni Brawner, inaprubahan ito ni Pang. Marcos sa isinagawang 1st quarter command conference kahapon.

Sa ngayon wala pang desisyon kung saan bibilhin ang mga multi-role fighters.

Inihayag ni Brawner na hindi sapat ang 12 units of FA-50s ng Philippine Air Force (PAF) kayat kailangan pa na bumili ng tatlo pang mga jet fighters na mas malaki, mabilis at mas lethal.

-- ADVERTISEMENT --

Sa sandaling mabili na ang mga MRFs, ang PAF sa tulong ng kanilang radar system ay maaaring ideploy para matukoy kubg mayruong mga aircraft na lumilipad sa airspace ng bansa.

Ang multi-role fighter ay asahan mag-augment sa kasalukuyang fleet ng 12 South Korean-made Mach 1.5 capable FA-50 jet aircraft.