Tuguegarao City- Nagsagawa ng seremonya ang 5th Infantry Division Philippine Army kaugnay sa pagbubukas ng candidate soldiers training para sa mga kwalipikadong magsundalo.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay MAJ Noriel Tayaban, Tagapagsalita ng 5th ID, apat na buwan ang kailangang gugulin ng mga napiling aplikante upang magsanay sa pagkasundalo.

Aniya, mayroon umanong 475 na kwalipikadong aplikante ang natanggap mula sa hanay ng kalalakihan at ang 25 slots naman ay manggagaling sa enlisted women applicants.

Kaugnay nito ay sasailalim din ang mga candidate soldiers sa academic training, physical training at iba pa iba upang maihanda sa pagiging ganap na sundalo.

Samantala, mayroon aniya silang target na 300 para sa special quota mula sa mga hanay ng Indigenous People at mga dating miyembro ng rebelde na may mga special technical skills sa pagsusundalo.

-- ADVERTISEMENT --

Iginiit pa nito na sa susunod na semester ay muling magkakaroon ng

recruitment ang 5th ID.