TUGUEGARAO CITY – Naniniwala ang Office of Civil Defense (OCD) Region II na mas magiging mabilis aniya ang pagresponde sa mga natural na kalamidad sa pagbubukas ng Disaster Risk Reduction Management Office ng Cagayan State University.
Ayon kay Engr. Ramon Narte ng OCD RO2 na pirma na lamang ng Memorandum of Agreement (MOA) ang inaantay para sa pormal na pagbubukas ng DRRMO ng CSU na ang mandato ay kahalintulad sa City at Municipal DRRMO.
Nakasaad sa MOA na magkakaroon ng sariling emergency at disaster response team ang CSU na isasabak tuwing may kalamidad.
Dagdag pa ni Narte na isasailalim sa pagsasanay ang mga faculty ng CSU at mga volunteer students para sa fire rescue, earthquake, typhoon, flash floods at iba pang kalamidad.