photo credit to: DepEd

Tuguegarao City- Matagumpay ang pagbubukas ng klase para sa School Year 2020-2021 sa bawat paaralan sa Region 2 alinsunod sa mga panuntunan sa ilalim ng new normal learning.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Estela Cariño, Director ng Department of Education (DepeEd) Region 2, kasabay ng selebrasyon ng teachers day at pagsisimula ng klase ay ang monitoring ng kagawaran sa sitwasyon ng mga mag-aaral at guro.

Aniya, may mga mag-aaral umanong humabol upang makapag-enrol kasabay ng pagbubukas ng pasukan.

Bagamat umabot na sa 900,000 ang bilang ng enrolees sa Region 2 ay maaari aniyang madagdagan pa ito dahil sa mga nais pang magpatala.

May mga bata din aniya silang nakita sa kanilang mga bahay na nagtutulungan upang mag-aral at sinusuportahan naman ng kanilang mga magulang.

-- ADVERTISEMENT --

Mayroon din aniyang mga volunteer teachers ang tumutulong sa kagawaran upang makapaghatid ng magandang edukasyon sa mga mag-aaral at sila naman ay makakatanggap ng allowance.

Ayon sa kanya na magandang indikasyon ito ng koordinasyon at pagtutulungan upang matuto ang mga mag-aaral sa gitna ng nararanasang pandemya.

Sinabi pa ni Dir. Cariño na malaking tulong din ang ginawang dry run para matugunan ang mga problemang dapat ayusin sa pag-aaral ng mga bata.

Tiniyak ng Kagawaran na hindi sila titigil sa paggawa ng mga hakbang upang makamit ang kalidad ng edukasyon sa hamon na dulot ng ng nararanasang banta ng pandemya.