Sisimulan nang pag-aralan ng pamahalaan ang pagkakaroon ng sariling communication system na magagamit sa panahon ng kalamidad.

Batay sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte, inatasan niya ang Office of Civil Defense sa pag-imbentaryo sa kasalukuyang ginagamit na communication system ng mga Local Government Units (LGUs).

Ayon kay Ronald Villa ng OCD Region II na layon nito na mapag-aralan at makabuo ng communication project ang gobyerno upang huwag nang umasa sa dalawang malaking telecommunication companies.

Malaking bagay aniya ang proyekto para mas maging maagap ang pagtugon sa panahon ng emergency, response and relief operations.

Kahapon, nang pinagsumite ng OCD ang mga LGUs at probinsiya sa buong bansa para sa kanilang ginagamit na radio communication system tuwing kalamidad.

-- ADVERTISEMENT --

Pag-aaralan naman ito sa national level upang makabuo ng epektibo at mabisang communication system na hindi umaasa sa duopoly ng dalawang kumpanya dahil tuwing may tumatama na kalamidad, pahirapan ang pagkuha ng signal.

Samantala, may ilang bayan pa rin sa lambak ng Cagayan ang hindi pa nagsusunmite o walang back up na communication system tuwing may kalamidad.