Ipinaalala ng Department of Justice (DOJ) sa mga Lokal na Pamahalaan ang pagbuo ng local councils na tutugon hinggil sa usapin ng ‘human trafficking’.
Ayon kay Atty Alejo Tangaro ng DOJ-RO2, bagamat may mga nabuong Provincial councils na sa buong rehiyon dos, subalit hindi pa lahat ng mga LGUs ang nakabuo ng kanilang municipal councils.
Sinabi ni Tangaro na ang pagbuo ng mga councils ay bilang tugon sa hangaring mapalakas ang operasyon sa pagsasalba sa mga nabibniktima ng human trafficking hanggang sa paghawak ng kaso.
Ipinaalala rin ni Tangaro sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang kanilang mandato na paalalahanan ang mga LGUs hinggil sa pagbuo ng mga local councils.