Para kay Vice President Sara Duterte, mabagal gumalaw si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. at hindi alam ang gagawin sa harap ng malaking isyu ng korapsyon sa flood control projects at kontrobersiya sa budget.
Reaksyon ito ni VP Sara patungkol sa Independent Commission on Infrastructure o ICI na binuo ni PBBM para imbestigahan ang maanumalyang flood control projects.
Ayon kay VP Sara, walang saysay ang pagbuo ng independent commission kung mananatili sa pwesto si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na may reklamo or kaso din noon na kinaharap sa Amerika.
Katwiran ni VP Duterte, hindi na dapat hinayaan ni PBBM na mamuno sa Kamara ang katulad ni Romualdez.
Bunsod nito ay iginiit ni VP Duterte kay PBBM, tanggalin na si Speaker Romualdez, ayusin ang mga kaalyado sa Kamara, papanagutin o isailalim sa lifestyle check ang mga kongresista pati ang kanilang mga staff.