Inihayag ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) na wala silang ibinigay na lisensiya sa Philippine Offshore Gaming Operation (Pogo) sites na may operasyon malapit sa military camps.
Ito ang tiniyak ni Pagcor Chairman Alejandro Tengco bilang tugon sa ponawagan ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa pamahalaan na ipatigil ang mga POGO operations na malapit sa military bases.
Sinabi ni Tengco na iligal ang mga POGO hub na malapit sa military camps.
Ginawani Teodoro ang panawagan sa gitna ng hinala tungkol sa kinaroroonan ng POGO sites, na tinawag ni security expert Chester Cabalza na “trojan horse” na posibleng gamitin ng China para magsagawa ng surpresang pag-atake sa mga mahahalagang military installations.
Nagbunsod ng mga paghihinala ang sinalakay na POGO sa Porac, Pampanga dahil sa mga nakitang tila mga uniporme at ensignia ng People’s Liberation Army
Sinabi ni Tengco na wala ng lisensiya ang POGO sites sa Porac at maging sa Bamban, Tarlac na iniuugnay kay Bamban Mayor Alice Guo.
Ayon kay Tengco, inilagay na nila sa probationary status ang nasa 300 na POGOs noong Setyembre ng nakalipas na taon at 46 sa mga ito ang nakuha muli ang kanilang lisensiya.