Kasado na ngayong araw ang imbestigasyon ng Senate Committee on Foreign Relations ukol sa ginawang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Pangungunahan ni Senator Imee Marcos, kilalang kaibigan ng mga Duterte ang naturang pagsisiyasat.
Lilinawin sa pagdinig ang naging papel ng International Criminal Court (ICC), International Criminal Police Organization (Interpol), at mga kinauukulang ahensya ng gobyerno sa pag-aresto kay Duterte.
Unang sinabi ni Sen.Marcos na kailangan na matukoy kung sinunod ang due process at matiyak na pinoprotektahan ang legal rights ni Duterte lalo na at sangkot ang ICC at Interpol.
Inimbitahan ni Sen. Marcos sa pagdinig ang mga opisyal mula sa Philippine National Police (PNP), Department of Justice (DOJ), Office for Transportation and Security ng Department of Transportation, National Security Council, Civil Aviation Authority of the Philippines, Department of National Defense (DND), at iba pang resource persons at witnesses.
Gayunpaman, sinabi ni Senate President Francis Chiz Escudero na maging daan para sa paghilom at pagkakaisa at hindi makadagdag sa pag-aaway ang ikakasang pagdinig ni Marcos ukol sa pag-aresto kay Duterte.
Umaasa rin ang senador na hindi makadagdag ang pagdinig sa paglalim pa ng sugat at hidwaan sa pagitan ng ating mga kababayan.
Maganda rinn aniya na mabigyang linaw sa pagdinig ang mga tanong, pangamba at pag-aalinlagan ng publiko sa naganap na pag-aresto sa dating pangulo.