Sisimulan na ng Senate Committee on Games and Amusement ang imbestigasyon sa negatibong epekto ng online gambling sa bansa sa Huwebes, August 14.

Ayon kay Senate Committee on Games and Amusement Chairman Erwin Tulfo, prayoridad niyang maisalang sa kanyang komite ang mga panukala at resolusyon tungkol sa epekto ng online gambling na itinuturing na isang lumalalang krisis na kailangang maaksyunan agad.

Kasama sa ipapatawag ang mga ahensya ng gobyerno tulad ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Department of Finance (DOF) kung saan titimbangin ang mga pros at cons ng industriya kapag idedeklara na itong iligal.

Batid ng senador ang kawalan ng regulasyon sa online gambling kaya walang kontrol sa pagsusugal ang mga tao at kahit ang mga bata ay nalululong na rin sa sugal.

Bagama’t gusto ni Tulfo ang total ban sa online gambling, kailangan pa rin aniya itong timbangin lalo na kung mas mabigat ang social ills o mga problema sa lipunan na madudulot nito kumpara sa makukuhang kita ng gobyerno.

-- ADVERTISEMENT --