Tuguegarao City- Kanselado ang taunang pagdiriwang ng Eid Al-Fitr ng muslim community sa Tabuk, Kalinga.
Sa panayam kay Masjid Imam Mastafa Camad, isinagawa nalamang nila ang kanilang mga pagdarasal sa kanilang mga bahay upang matupad ang social-distancing at makaiwas sa mass gathering.
Ayon pa sa kanya isasagawa naman nila ang pakikinig ng mga sermon sa online.
Bahagi nito ay maaari pa rin naman umano nilang ipagpatuloy ang nakaugalian na pamamahagi ng tulong sa komunidad.
Ang Eid Al-Fitr ay ang taunang tradisyunal na selebrasyon at pagtitipon ng mga muslim bilang tanda ng pagtatapos ng kanilang ramadan.
-- ADVERTISEMENT --