Tuguegarao City- Nakatakdang ilunsad ng LGU Alcala ang paggamit ng Antigen swab testing bilang bahagi ng pagtiyak sa seguridad sa banta ng COVID-19.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Mayor Tin Antonio na nasa 1,000 piraso ng antigen testing kits ngayon ang inaasahang dumating sa kanilang bayan.

Sa pamamagitan aniya nito ay mas magkakaroon ng accurate at mabilis na paglabas ng resulta sa mga pagsusuri ng mga pasyente..

Sa ngayon ay umabot na umano sa 13 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Alcala habang isa sa mga ito ang active case na minomonitor sa isolation facility.

Kasabay nito, tiniyak ng alkalde na nasusunod ang mga inilatag na panuntunan para sa mga locally stranded individuals at mga OFWs upang maiwasan ang pagkalat ng virus sa lugar.

-- ADVERTISEMENT --