Tuguegarao City- Pasado na sa ikatlo at pinal na pagbasa ang ordinansang magsusulong sa pagkakaroon ng Cagayano Card na maaaring gamitin sa lahat ng transaksyon sa probinsya.
Sinabi ni 3rd District Board Member Mila Lauigan na sa pamamagitan nito ay mapapadali ang transaksyon ng isang indibidwal sa iba’t ibang mga ahensya at tanggapan sa Cagayan.
Paliwanag niya, katuwang sa pagsusulong nito ang mga LGUs at mga barangay officials upang makagawa ng data base kung saan nakasaad ang mga pangunahing detalye at impormasyon ng isang Cagayano.
Sa pamamagitan nito ay mas madali na ang beripikasyon at proceso ng bawat tanggapan sa mga transaksyong nangangailangan ng mga valid IDs.
Ginawa aniya ang nasabing hakbang dahil mayroon pa ring mga residente sa Cagayan ang walang mga valid IDs na isa sa dahilan ng pagbagal ng mga proceso.
Iginiit pa niya na libre itong ipapamahagi ngunit sakaling mawala at kukuhang muli ay babayaran na ito ng isang indibidwal.
Samantala, inaprubahan na rin ng Sanguniang Panlalawigan ng Cagayan ang ordinansang magbibigay proteksyon sa mga nagtatrabaho sa mga hazardous place.
Saklaw ng oridnansa ang mga garbage collectors, janitors at iba pang manggagawang nagtatrabaho sa pribado at pampublikong tanggapan.
Nakapaloob aniya sa ordinansa ang pagbibigay ng libreng protective gear sa mga mangagagwa upang may protection hindi lamang sa COVID-19 kundi sa iba pang uri ng mga sakit.
Ipinunto pa ni Lauigan na dapat isama sa mandato ng mga health and sanitary officers ng bawat municipalidad ang pagsisiyasat kung makatutugon ba ang mga establishimento bago mag release ng kaukulang mga permit na kakailanganin ng mga ito.