Posibleng palawigin pa ang pag-iisyu ng COVID Shield Control Pass sa Tuguegarao City kung saan matatapos ang implementasyon o paggamit nito bukas (Feb 17).

Sinabi ni Engr. Kendrick Calubaquib, assistant city administrator na layon nitong malimitahan ang paglabas ng publiko kahit na nasa ilalim na ng Modified General Community Quarantine ang lungsod bilang pag-iingat sa posibilidad ng pagkalat ng COVID-19 virus.

Nasa 5% sa kabuuang bilang ng populasyon sa isang Barangay ang bilang ng mga quarantine pass na ibinibigay sa mga residenteng may mga importanteng lakad gaya ng pagbili ng mga essentials.

Dagdag pa ni Calubaquib, exempted sa quarantine pass ang mga may trabaho sa lungsod kung saan maaaring ipakita sa checkpoint ang kanilang company ID.

Paliwanag pa niya na malaking tulong ang paggamit ng COVID Shield Control Pass upang maibaba ang kaso ng nakamamatay na virus sa lungsod.

-- ADVERTISEMENT --

Gayunman, nakadepende pa rin kay Mayor Jefferson Soriano kung palalawigin nito ang paggamit ng quarantine pass.