TUGUEGARAO CITY-Maoobliga na ang lahat ng mga maglalako na kailangan na itimbang ang kanilang mga paninda na gumamit ng digital weighing scale sa sandaling makapasa at maaprubahan ang panukalang ordinansa sa paggamit ng digital weighing scale.
Sinabi ni Pedro Cuntapay, city market administrator na iminungkahi niya na maging ang mga ambulant vendors at iba pang maglalako na gumagamit ng timbangan na gumamit ng digital weighing scale sa isinagawang public hearing.
Sa presentasyon kasi ng nasabing panukalang ordinansa ay saklaw lang nito ang mga vendors sa public market at mga talipapa.
Idinagdag pa ni Cuntapay na dahil sa wala namang business permit ang mga ambulant vendors, ang ipapataw sa kanila na parusa ay ang multa at ang pagbabawal na sa kanila na makapaglako pa sa lungsod.
Inaasahan na sa susunod na regular session ng city council ay isasalang na para sa talakayan ang nasabing panukala.