TUGUEGARAO CITY- Nabuhayan ng pag-asa ang Consultative Committee na tatalakayin sa 18th Congress ang panukalang charter change na magbibigay daan para sa federalism matapos na hindi ito banggitin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address.

Ito ay matapos ihain sa kamara ang concurrent resolution no. 1 tungkol sa chacha.

Sinabi ni Ding Generoso, dating spokesman ng CONCOM na umaasa silang gawing prayoridad ito ng kongreso dahil isa ito sa plata porma ni Pangulong Rodrigo Duterte.

ang tinig ni Generoso

Sinabi ni Generoso na napananahon ang nasabing resolusyon dahil sa kaya binuo ng pangulo ang CONCOM ay para magsagawa ng pag-aaral sa mga pagbabago sa 1987 constitution.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kanya, naibigay na nila sa malakanyang nitong nakalipas na taon ang nabuo nilang bagong konstitusyon na tinawag nilang “Bayanihan Constitution” na maaaring i-adopt na lang ng kongreso.

Naniniwala si Generoso na kayang talakayin ng kongreso ang nasabing panukala sa loob ng ilang buwan kung gagawin nila itong prayoridad.

muli si Generoso