Muling sinuspindi ang search and retrieval operation para sa missing sabungeros sa Taal Lake ngayong araw dahil sa hindi magandang panahon.
Matatandaan na sinuspindi ang operasyon niong Biyernes at itinuloy nitong Sabado.
Ang operasyon ay nag-ugat sa impormasyon na ibinigay ni whistleblower Julie “Dondon” Patidongan na mahigit 100 sabungeros ang dinukot, pinatay, at itinapon sa Taal Lake.
Una rito, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na iniimbestigahan nila ang nasa 30 indibidual na posibleng may kinalaman sa kaso ng mga nawawalang sabungero.
Matatandaan na may ilang buto na nakuha sa mga naunang operasyon sa Taal Lake, kung saan batay sa paunang pagsusuri, ang ilan sa mga ito ay buto ng tao.
Samantala, inanunsiyo ng Malacañang ang suspensyon ng klase sa pasok at trabaho sa ilang ahensiya ng pamahalaan sa National Capital Region, Cavite, Rizal, Batangas, Laguna, Bulacan, Pampanga, Zambales, and Bataan kaninang 1 p.m.